49
Chris Paul pasiklab sa 4th quarter
Dec 28, 2019 @ 17:48
By

Chris Paul pasiklab sa 4th quarter

Matapos ang 15 season sa NBA, kabisado na ni Chris Paul kung paano lumaro sa fourth quarter.

Matapos ang ilang clutch plays sa dulo ng regulation, may natira pa sa kanyang tangke sa overtime.

Nilista ni Paul ang 10 sa kanyang 16 points pagkatapos ng third quarter at pinigil ng Oklahoma City Thunder ang Charlotte Hornets 104-102.

Nagsumite ng 27 points si Shai Gilgeous-Alexander, nag-ambag ng 24 si Dennis Schroder at inekisan ng Thunder ang panlimang panalo sa huling anim na laro.

“I love it, man,” bulalas ni Paul. “I kept telling Shai, ‘All right, it’s the fourth quarter and we will turn it on.’ And that’s the thing that gets your blood flowing, those fourth-quarter situations.”

Hindi rin naman halimaw ang numero ni Paul sa loob ng 35 minutes, 6 of 20 pa mula sa field. Pero may 7 rebounds, 6 assists pa siya at matikas na ginampanan ang pagiging floor general sa stretch matapos mapakawalan ng OKC ang 16-point lead sa final period.

Dumayo ng North Carolina si Paul at sa harap ng ama, kapatid at mga lolo’t lola na nasa courtside, ibinaon ang dalawang jumpers sa final 1:06 ng regulation. Isang pull-up jumper pa sa OT ay lumamang ng lima ang Oklahoma City. Humablot pa siya ng tatlong rebounds sa extra time.

Ibinalik ni Steven Adams ang sablay ni Paul 103-99 Thunder, sumagot ng quick 3 sa kabila si Devonte Graham. Finoul ng Hornets si Gilgeous-Alexander na split sa line 8.4 seconds na lang.

Huling tsansa ng Charlotte na agawin ang panalo o humirit ng second OT, pero nadulas si Graham sa pagkuha ng inbounds.

Kakaiba ang umpisa ng ovetime, nag-free ang Thunder matapos ma-technical si Terry Rozier pagkatapos ng regulation dahil ibinato sa crowd ang bola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?