21

Nov 18, 2020 @ 20:21
By

Chris Paul pasalamat sa Thunder

Nagtapos man ang karera ni veteran guard Chris Paul kapiling ang Oklahoma City Thunder sa kanyang paglipat, pasalamat pa rin ito sa mga sandaling nakasama nito ang koponan.

Nitong Martes (Manila time), trinade ng Thunder si Paul at Abdel Neder sa Phoenix Suns kapalit nina Ricky Rubio, Kelly Oubre Jr., Ty Jerome, Jaylen Lecque at 2022 first-round pick mula sa Suns.

“OKC!!! What a full circle moment this last season was!! Genuinely grateful for your hospitality and the warm welcome from day 1. Much love to everyone in the organization, the fans, and most importantly the fellas who brought out that dog, day in and day out!! Year 15 will never be forgotten,” post ng All-Star guard via Instagram.

Isang araw matapos ang trade, namataan naman agad sina Paul at Suns guard Devin Booker na nagsu-shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?