14

By

Chris Paul kapit pa rin sa Rockets

Sharing is caring!

Mananatili umano si star point guard Chris Paul sa Houston Rockets.

Nakipagkasundo umano ito para sa apat na taon at $160 million max contract sa Rockets, ayon sa ESPN.

Sa tweet ngayong araw, nagparamdam si Paul ng kagustuhan nitong manatili pa sa Rockets dahil sa hindi niya natapos na trabaho.

Chris Paul @CP3: “UNFINISHED BUSINESS…RUN IT BACK.”

Kabilang si Paul sa naging mitsa ng Rockets para makuha ang best record sa NBA regular season na 65-17.

Isa rin siya sa bumulusok sa opensa ng Houston para dalhin ang koponan sa Western Conference Finals pero kinapos sa Golden State Warriors.

Hindi na nakapaglaro si Paul mula sa Game 5 ng west finals nang dumanas ito ng hamstring injury.

Unang season pa lang ang nilaro ni Paul sa Houston matapos ang tig-anim na taon sa New Orleans at Los Angeles Clippers. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?