44

Dec 14, 2017 @ 14:17

Chris Paul, binalikat ang Rockets sa 11 straight win

Nakaiskor ng season-high 31 points si Chris Paul habang may panahog na 21 si James Harden sa patuloy na pananalasa ng Houston Rockets na naitala ang ika-11 NBA-best winning streak game nila matapos biktimahin ang Charlotte Hornets, 108-96, Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pinas).

Bunga nito’y naiakyat ng Rockets ang kartada nila sa 22-4 kung saan naipanalo nila ang 17 sa 18 nilang nilaro.

Hindi na pumayag ang Rockets na maging dikit ang laban nila ng Hornets gaya ng huling pagharap nila sa New Orleans Pelicans, kaya sa second ay kumawala sila sa malaking kalamangan, 49-23, at naiuwi ang panalo nang walang kahirap-hirap.

Patuloy naman ang paghihirap ng Hornets kahit pa napantayan ni Dwight Howard ang kanyang season high na 26 points at may nilagare pang 18 rebounds at tatlong blocks.

Nalimitahan lamang ng Rockets sa apat na 3-point shots ang Hornets habang sila ay bumulusok ng 17.

Nagawa namang maibaba ng Charlotte ang lamang ng Houston sa 79-65 sa natitirang tatlong minuto ng 3rd quarter ngunit nagawang pumalaot muli ng Houston at naipako ang 91-69 lead sa fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?