24

Jun 24, 2022 @ 12:59
By

Chris Evans madrama pag-babu sa iPhone 6s

Kung ang karamihan sa mga artista sa Hollywood ay pabonggahan ang pamumuhay, iba naman si Chris Evans, lalo pagdating sa cell phone.

Ngayong Biyernes, pinost pa ni Evans sa Twitter ang madrama niyang pamamaalam sa kanyang iPhone 6s.

Ayon sa ulat, taong 2015 pa na kay Evans ang naturang gadget. Kaya naman, naging emosyonal ang pamamaalam niya rito.

“RIP iPhone 6s,” saad ng aktor sa post. “We had a good run. I’ll miss your home button.”

“I won’t miss the nightly battle of trying to get you to charge. Or your grainy pictures. Or your sudden drops from 100% battery, to 15%, to completely dead all within minutes,” dagdag pa niya.

“It was a wild ride. Rest easy, pal.”

Base naman sa kanyang IG post, mukhang iPhone 13 na ang gagamitin ng aktor.

Benta naman sa mga netizen ang mga post ni Evans tungkol sa kanyang iPhone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?