200

Mar 24, 2018 @ 11:03

Chris Evans, hindi na gaganap na ‘Captain America’

Prangkang sinabi ni Chris Evans sa The New York Times na wala na siyang planong bumalik sa Marvel movie franchise matapos niyang mag-shoot ng ika-apat na “Avengers” movie.

Ani Evans, “You want to get off the train before they push you off.”

Wala pang pamagat ang pelikula na inaasahang ilalabas sa Mayo 2019.

Si Evans na ang gumanap na Captain America mula nang lumabas ang “Captain America: The First Avenger” simula pa noong 2011.

Ipapalabas sa mga sinehan ang “Avengers: Infinity War” sa Abril 27.

Mag-uumpisa na si Evans ng kanyang Broadway career bilang pulis sa “Lobby Hero”, na magbubukas sa Marso 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?