By

CHR tututok sa pang-aabuso sa OFWs

Sharing is caring!

Bumuo ang Commission on Human Rights (CHR) ng isang grupo na tututukan ang kalagayan at kondisyon ng mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa.

Layon ng Commission on Human Rights Observatory na makabuo ng sistematikong paraan sa pagtugon sa lahat ng uri ng pang-abuso sa OFWS.

Ito ay para hindi lang din sa mga partikular na kaso nakatuon ang atensiyon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Nabatid na noon pang nakaraang buwan binuo ang grupo at sa ngayon ay pinag-aaralan na ang pagkakaroon ng monitoring and evaluation system para sa mga ahensiya ng gobyerno na mandato na pangalagaan ang OFWs.

Sa binubuong sistema, malalaman din ang ginagawang hakbang ng mga ahensiya na may mga opisina sa ibang bansa.

Magugunita na nagulantang ang bansa nang mabunyag ang sinapit ni Joanna Demafelis, ang Filipina household worker sa Kuwait na sinasabing pinatay at isinilid sa freezer nang isang taon ng kanyang mga amo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?