35

By

CHR sa gobyerno: Kung walang tinatago, magpaimbestiga sa UN!

Muling giniit ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na para patunayang wala itong tinatago, dapat payagan ang nakaambang imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ukol sa estado ng karapatang pantao sa bansa, kabilang ang umano’y extrajudicial killings sa drug war ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng CHR na dapat maging bukas sa dayalogo ang pamahalaan sa mga bansang nagpahayag ng pagkabahala sa estado ng human rights sa bansa at ipakita ng administrasyong pananagutin nito ang mga mapatutunayang lumabag sa karapatang pantao.

“As an independent institution mandated by the Constitution to monitor state compliance with all human rights norms and standards, the CHR as a constructive partner is ready to assist as best it can in the pursuit of this endeavour,” nakasaad sa statement.

Una rito, tinutulan at kinondena ng Malacañang ang pag-apruba sa resolusyon ng UNHRC na umano’y batay sa maling impormasyon at may layong ipahiya ang Pilipinas sa international community.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?