24

Sep 14, 2021 @ 21:22
By

CHR pasok sa Grade 10 todas sa hazing

Naglunsad ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkamatay diumano ng isang Grade 10 student sa San Enrique, Negros Occidental dahil sa hazing.

Tatlong fraternity member na ang iniimbestigahan ng San Enrique Police sa pagpanaw ng 18-anyos na estudyante dahil sa hematoma noong September 9 matapos umanong sumailalim sa hazing.

Ayon sa ulat, narekober na ng mga awtoridad ang sinasabing kahoy na paddle na ginamit sa initiation ceremony sa bahay ng isa sa mga suspek.

Nasabi pa umano ng biktima sa kanyang mga magulang ang pag-paddle sa kanya ng tatlong suspek bago ito binawian ng buhay.

Nanawagan si CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa mga paaralan na tiyaking naipatutupad ang Anti-Hazing Act of 2008.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?