49

By

CHR napaitan sa panukalang batas na maaaring magpakulong sa 13-anyos

Sharing is caring!

Kontra ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukala ni Senate President Tito Sotto III na babaan pa ang edad para sa mga maaring papanagutin na sa krimen.

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia responsibilidad ng gobyerno na hulmahin ang mga bata at hindi ang ipakulong sila sa murang edad.

Inihain ni Sotto ang Senate Bill 2016 na layon maibaba sa 13-taon gulang ang maari nang papanagutin sa batas.

Sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act ang pinakabata na maaring mapanagot sa batas ay 15 taon gulang.

Ang pagbaba sa ‘age of criminal liability’ ay isa sa mga ipinangako ni Duterte noong kampanya, ngunit walang nagsusulong nito sa Kongreso.

Pagdidiin ng CHR, wala pang komprehensibong pag-aaral na ang pagpapakulong sa mga batang lumalabag sa mga batas ay nagreresulta sa kabawasan sa krimen.

“Hindi pa napapatunayan na ang pagbilanggo sa mga bata ay makakapigil sa paggawa ng krimen o di kaya ay makakapaghinto sa mga sindikato sa paggamit ng mga bata,” sabi ni de Guia.

Aniya ang dapat na gawin ay ang seryosong pagpapatupad ng batas na nagbibigay mandato sa mga lokal na opisyal na magpatayo ng ‘Bahay Pag-asa’ para sa rehabilitasyon ng mga sinasabing batang-kriminal.

Banggit nito sa 81 lalawigan, 37 lang ang may ‘Bahay Pag-asa’ at 33 naman ang nasa malalaking lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?