702

May 18, 2019 @ 21:09
By

CHR nakabantay na sa pagbuhay sa death penalty

Naghahanda na umano ang Commission on Human Rights (CHR) na harangin ang pagbabanta na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa.

Ito ay dahil umano sa posibilidad na makalusot na ang death penalty dahil sa pagdami ng mga kaalyado ng administrasyon sa Senado.

Ani CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit sa panayam sa TV Patrol, hindi umano maaaring buhayin ang parusang bitay dahil ayaw umano ito ng mga komisyon sa karapatang pantao o anumang national human rights institutions at right to life advocates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?