66

Jul 16, 2019 @ 17:15
By

CHR naghihintay ng imbitasyon sa SONA

Handang dumalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commission on Human Rights (CHR) chair Chito Gascon kung padadalhan siya ng imbitasyon.

“I would probably be attending should an invitation be forthcoming. It’s probably in the mail,” saad ni Gascon sa isang pahayagan.

Kasabay naman ng SONA ang pagbubukas ng first regular session ng 18th Congress.

Nag-abiso sa publiko ang Kamara sa pamamagitan ni acting Secretary-General Dante Roberto Maling hinggil sa “complete lock-out policy” simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 21 bilang bahagi ng security requirements na inimplementa ng Presidential Security Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?