1,906

Mar 8, 2019 @ 18:31
By

CHR nag-react sa pananakit ni Eleazar sa kotong cop

Posible umanong nalabag ni National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar ang karapatang pantao ng sinaktan nitong pulis na naaresto sa pangingikil.

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Eleazar sa panduduro at pangunguwelyo niya kay Police Corporal Marlo Quibete.

Aniya, nadala lang umano siya ng kanyang galit matapos mangikil ang pulis ng P200,000 mula sa drug suspect.

Pero nasilip ito ng Commission on Human Rights (CHR) at sinabing maaaring may mga karapatang pantao na nalabag si Eleazar kabilang na ang right to dignity ng sinaktang pulis.

“Maaaring may na-violate siya doon sa right to dignity, right to presumption of innocence, right to humane treatment and all that. Iyan ‘yung mga posibleng karapatang pantao na nalabag,” saad ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia sa panayam sa dzmm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?