13

May 6, 2021 @ 17:22
By

CHR kontra sa pagkulong sa walang face mask

Hindi sang-ayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadakip ang sinomang mahuhuli na mali ang pagsuot ng face masks.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang naturang kauutusan ay maaaring abusuhin ng pulisya.

“In the absence of clear guidelines, we are concerned that such directive may be prone to excessive discretion and abuse,” saad ni de Guia.

Noong Miyerkules sa kanyang televised address, inutusan ng pangulo ang kapulisan na imbestigahan at i-detain sa loob ng siyam na oras ang mga mahuhuling walang face mask o mali ang pagkakasuot ng face mask habang nasa mga pampublikong lugar.

Isa pang dahilan ng pagtutol ng CHR sa naturang utos ay ang maaaring pagkalat ng COVID sa mga kulungan gawa ng pag-detain sa mga mahuhuli.

“Given the overcrowded conditions of jails and other detention facilities in the Philippines, detention may not be sound in preventing the further spread of COVID-19 in communities,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?