724

Jul 23, 2019 @ 18:07
By

CHR kontra sa pagbuhay sa death penalty, ROTC

Kapwa inayawan ng Commission on Human Rights (CHR) ang planong pagbabalik sa parusang kamatayan maging ng Reserved Officers’ Training Corps. (ROTC), na binanggit pareho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang 2019 SONA.

Pinaalala ni CHR spokesperson lawyer Jaqueline Ann de Guia sa Pangulo na pumirma ang bansa sa mga tratado na nagbabasura sa death penalty kaya labag aniya ito sa “Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights”.

Sa halip aniya na death penalty, ang kailangan sa bansa ay “strong at responsive justice system” na hindi malulusutan ng mga salarin.

Pinunto naman nito ang isyu ng karahasan sa ROTC program noon na naging dahilan kaya ito itinigil, na hindi aniya dapat na balewalain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?