221
CHR hindi makatao - VACC
Mar 8, 2019 @ 18:42
By

CHR hindi makatao – VACC

Nagpanting ang tenga ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pagdepensa ng Commission on Human Rights (CHR) sa pulis na nahuli sa extortion.

Ani VACC spokesperson Boy Evangelista sa report ng ABS-CBN, hindi umano makatao ang CHR sa pagdepensa sa tiwaling pulis habang binabalewala ang karapatan ng biktima nito.

Matatandaang sinabi ng CHR na posibleng may nalabag na karapatang pantao si NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa panduduro at pangunguwelyo nito kay Police Corporal Marlo Quibete.

“CHR has no human side. The General is just passionate in cleansing their ranks of scalawags as the public is crying for total cleansing,” ani Evangelista.

“Nasaan ‘yung human rights ng mga biktima? Some are already 6 feet below the ground,” dagdag pa nito.

Samantala, kasalukuyan nang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Quibete at nahaharap sa mga kasong robbery at extortion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?