61

Oct 9, 2021 @ 9:34
By

CHR chief tinalo ng COVID

Pumanaw si Commission on Human Rights (CHR) Chair Jose Luis “Chito” Gascon sa edad na 57 dahil sa coronavirus.

“Sa dami mong laban, sa COVID pa tayo natalo. Love you Kuya! RIP Chito Gascon,” saad ng kapatid niya na si Miguel sa Facebook post.

Noong 2015 itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa CHR si Gascon.

Sa pagpapalit ng administrasyon, nilabanan niya ang pang-aabuso sa karapatang pantao, kabilang na ang extrajudicial killings sa drug war.

Matapos nito ay bumaha ang tribute para kay Gascon at kabilang sa nalungkot ang singer na si Jim Paredes.

“Chito Gascon, CHR Chair, died this morning. Haaaay..I am so very sad,” sambit niya sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: