24

Oct 13, 2021 @ 16:38
By

CHR: 9 pang suspek sa Olalia-Alay-ay murder tugisin

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na ang paghatol ng guilty sa tatlong suspek sa pagpatay kina Rolando Olalia at Leonor Alay-ay ay simula pa lamang ng pagkamit ng hustisya sa krimen.

Ito ay dahil kahit nahatulan na ang tatlong suspek na sina Desiderio Perez, Dennis Jabatan at Fernando Casanova, may siyam pa na suspek sa pagpatay kina Olalia at Alay-ay noong 1986. Pinaghahanap pa rin ang mga ito.

“Though justice may have appeared to have been long-winded and at times elusive, their conviction is nonetheless a welcome action from the Philippine justice system in exacting accountability for the cruel crimes perpetrated,” pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia.

“We hope that in the coming days, the remaining accused members of RAM will be brought to account,” dugtong pa niya.

Sina Perez, Jabatan at Casanova ay mga dating miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM), isang grupo na nagrebelde sa mga administrasyong Marcos at Aquino.

Labintatlong RAM miyembro umano – kasama ang tatlo – ang dumukot at pumatay kay Olalia na isang labor leader at driver niya na si Alay-ay.

Sa natitirang 10 suspek, siyam na lang ang hinahanap habang ang isa ay pinawalang-sala sa kakulangan ng ebidensya.

Samantala, ang tatlong nahatulan ay pinatawan ng 40 taon pagkakabilanggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?