175

By

Chot Reyes sinisi si Kickert sa rambulan ng Gilas-Australia

Sharing is caring!

Itinurong may sala ni Philippine national basketball coach Chot Reyes ang Australian big man na si Daniel Kickert na siyang nagpasimula ng gulo sa FIBA Basketball World Cup Qualifiers kagabi sa Philippine Arena.

Sa kabila ng pag-amin ni Reyes na hindi katanggap-tanggap ang nangyaring gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Boomers, ipinagtanggol naman nito ang ginawa ng kanyang team na dinepensahan lang aniya ang kanilang mga kakampi.

“The reality is that Kickert [was] hitting our players during the warm-ups. He hit Carl Bryan Cruz, he hit Matthew Wright, [Roger] Pogoy and he hit Calvin Abueva during the warm-ups,” ani Reyes.

Nagsimula ang rambulan may 4:01 na natitira sa third quarter kung saan malaki ang abante ng Australia, 79-48.

Nagkapisikalan sina Roger Pogoy at Boomers wingman Chris Goulding.

Nakita ito ni Kickert kaya binigwasan niya si Pogoy sa leeg at sumunod nito ay sinuntok naman ni Jayson Castro si Kickert.

Dito na nagkagulo kung saan ilan sa mga player ng magkabilang panig ay nakiumbagan na rin. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?