19

Feb 15, 2021 @ 11:29
By

Chot Reyes relaks muna bago balik PBA

Sinusulit ni Chot Reyes ang kanyang free time bago muling sumabak sa PBA coaching.

Sa Instagram post ni Reyes, relaks muna ito sa Anvaya Cove Beach & Nature Club sa Bataan at may caption pang ‘savoring the calm’.

Inaasahan na maging busy si Chot matapos siyang pangalanang bagong head coach ng TNT Tropang Giga para sa susunod na PBA season.

Ito ang pagbabalik ni Chot sa PBA makalipas ang siyam na taon.

Dati na siyang naging coach ng TNT, kung saan giniya niya ang koponan sa apat na kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?