785

By

Chot Reyes gago! – netizen

Sharing is caring!

Napikon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa comment ni Twitter user @Pao_Uso matapos nitong magbitaw ng maaanghang na komento sa hindi inaasahang gulo ng Gilas Pilipinas at Australia Lunes ng gabi sa 3rd window ng 2019 FIBA World Cup Asia Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nagkasuntukan ang mga player ng magkabilang panig sa 4:01 mark ng third canto kung saan milya-milya na ang lamang ng Australia 79-48.

Isang netizen na si Paolo Cabanero a.k.a. Twitter user @Pao_Uso ang nagsabing, “gago kasi yung coach nila.”

Sumagot naman si Reyes: “Oo nga, why? Care to say that to my face.”

Ilang minuto matapos mag-reply ni Reyes ay nabura na ang tweet ni Cabanero.

Third quarter nang ma-eject ang 13 players sa basketball court – siyam mula sa Gilas Pilipinas at apat sa Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?