145
Chot gustong mabugbog ang Team ‘Pinas
By

Chot gustong mabugbog ang Team ‘Pinas

Kung si dating Gilas coach Chot Reyes ang tatanungin, mas makabubuti kung magparaya ang PBA para sa Team Pilipinas.

Ayon sa kanya, noong kanilang kampanya sa Fiba World Cup 2014, lubos na nakatulong ang kanilang pagsabak kontra sa ilang mga world powerhouse tulad ng France, Australia at Ukraine.

“We played very strong teams. Binugbog kami ng Ukraine, Australia. Then we went to France and played Venezuela and Dominican Republic. That toughened us up,” saad ni Chot matapos sumabit sa mga pinarangalan para sa pagtungtong sa 2019 World Cup kasama ang ilan pang deputy na sina Jong Uichico, Josh Reyes, at Ryan Betia.

Sa naging pagsabak sa Spain noon ng Gilas Pilipinas, nakuha nila ang matagal nang inasam na panalo kontra sa Senegal, nakasabay din sa iba pang bigating koponan tulad ng Puerto Rico, Greece at Croatia.

“And I think that feeling spilled over sa actual World Cup. So pagdating nung actual na laban, the players have a very good feeling about themselves,” aniya pa nang ngayo’y ESPN5 president.

Matatandaan na dapat sana’y sasali sina Team Pilipinas coach Yeng Guiao sa Jones Cup ngunit hindi itinuloy ang plano para sa local league.

Makakalaban ng Pilipinas sa 2019 World Cup ang fourth ranked Serbia, Italy at Angola sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?