83
views

By

Chot gulantang sa panalo ng Japan kontra Australia

Sharing is caring!

Hindi naitago ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang kanyang pagkagulat nang malaman nito na natalo ng Japan ang Australia, 79-78, sa 2019 FIBA World Cup qualifier noong Biyernes ng gabi sa Chiba City, Japan.

“I must admit it was a surprise. We found out towards the middle of the fourth quarter that Australia did lose,” ani Reyes.

Dagdag pa nito, alam nilang mas lumakas ang lineup ng Japan matapos nitong maisama sa kanila ang naturalized player na si Nick Fazekas.

Giit din ni Reyes na hindi sila ganun kakumpiyansa dahil hindi naman nila iniisip ang Australia habang naglalaro sila kontra Chinese-Taipei.

“Before tonight our sole focus was Chinese-Taipei and so after we have some dinner and get back to the hotel we’re gonna start thinking about Australia,” saad ni Reyes.

Nanalo kagabi ang Gilas Pilipinas kontra Chinese-Taipei, 93-71, at sunod na makalaharap nila ang Australia sa Lunes sa Philippine Arena sa Bulacan. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?