381

Feb 25, 2022 @ 11:04
By

Choox ‘nalunod’ para mag-propose sa dyowa

Halong-halong emosyon ang naramdaman ng partner ni Choox TV dahil sa kakaibang wedding proposal ng Mobile Legends streamer.

Sa YouTube vlog ni Choox, Edgar Dumali sa tunay na buhay, nagkunwari siyang nalulunod sa gitna ng dagat, dahilan para sobrang mag-alala ang kanyang dyowa na si Angeline Pareño.

Sey ni Choox, iyon na ang tamang panahon para magpakasal silang dalawa lalo’t siyam na taon na silang nagsasama.

“This is the time para pakasalan natin siya, kasi nakilatis na namin ang isa’t isa sa haba ng panahon,” lahad ni Choox.

Nang madala sa dalampasigan si Choox ay aligaga si Angeline habang sinusubukan siyang i-CPR.

Pero napaluha ito nang malamang prank lang pala ang pagkalunod ni Choox at makita ang isang banner na may nakasulat na ‘Will You Marry Me’.

“Grabe, sobrang tuwang tuwa talaga ako sa araw na yan kasi hindi ko lubos maisip na sobrang concerned talaga si Gel na takot siyang may mangyari sa’kin,” sambit ng streamer.

“Maramdaman mo talaga yung pagmamahal, pag-aalala niya,” aniya pa.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?