90
Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards sa Mayo 27
May 21, 2019 @ 17:31
By

Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards sa Mayo 27

Tampok sa 2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards ang mga bigating at pinakamahuhusay na collegiate superstars ng UAAP at NCAA kasama ang SportsVision na gaganapin sa Mayo 27, Lunes sa Amelie Hotel Manila.

Ilan sa mga paparangalan ay ang mga collegiate men’s basketball champions ng NCAA na San Beda University Red Lions at UAAP na Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Katuwang ang Amelie Hotel, Northport, World Balance, at AXA Team EDS, paparangalan din ng special awards ang mga natatanging atleta para sa kanilang ipinakitang husay sa torneo.

Sa nagdaang NCAA Season 94, pinangunahan nina Red Lions Robert Bolick at Jayvee Mocon ang ikatlong sunod na championship title ng San Beda.

Samantalang bumida naman para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena para masungkit ang back-to-back championship sa UAAP Season 81.

Bukod sa mga atleta, a-attend din sa event ang mga sportswriter, reporters, at editors ng bansa.

Mapapanood nang live ang event sa Chooks-to-Go Pilipinas at Tiebreaker Times sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?