24

Jun 12, 2021 @ 20:02
By

Chooks To Go bitin sa ginawa ng SBP sa Gilas 3X3

Hindi tinago ni Ronald Mascariñas ng Chooks To Go Pilipinas 3×3 ang kanyang sama ng loob sa Samahang Basketbol ng Pilipinas(SBP) matapos ang nakakadismayang kampanya ng Gilas Pilipinas 3×3 sa FIBA Olympic Qualifiers.

“I will not sugarcoat this. I was really disappointed. Sobrang napakalaking kahihiyan ang binigay nila sa ating bayan,” ani Mascariñas.

Sa nabanggit na torneo kasi ay nangulelat ang koponan sa 20 bansa na naglaban-laban.

Dagdag pa niya, bagamat ang Chooks To Go ang pangunahing sponsor ng koponan, hindi raw sila nakasama sa preparasyon ng koponan.

Kaya naman sinisisi niya ngayon ang SBP dahil na rin umano sa kakulangan ng ensayo, kahit tune-up matches man lamang.

“Tapos kukunin nila but they don’t show importance. Hindi mahalaga sa kanila. Nagte-training na months before ang 5-on-5 natin for a tournament. May ang OQT natin. May din sila nag-umpisa mag-ensayo. Ano ang aasahan mo? Sobrang nakakalungkot because nagmukha tayong mga tanga doon sa OQT,” malungkot pang sambit ni Mascariñas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?