144

Sep 30, 2019 @ 21:01
By

Chongson pinuwersa, tinakot si Paul Lee

Nasungkit ng UE Red Warriors ang kanilang ikalawang panalo matapos manaig kontra NU Bulldogs nitong Linggo, 78-72, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Dominante ang Red Warriors, siguro dahil sa pagbisita ni PBA superstar Paul Lee sa dugout ng koponan sa halftime.

“Sa mga matagal na dito sa basketball, siyempre alam niyong player ko dati si Paul (Lee), ako iyung manager niya. Ako ‘yung agent niya saka ninong niya ako sa kasal. Kaya pinwersa ko siyang pumunta ngayon, tinakot ko siya, para makapag-provide ng inspirasyon sa mga bata,” kwento ni UE active consultant Lawrence Chongson.

Dahil sa panalo, akyat sa 2-5 ang record ng Red Warriors habang panghuli naman ang Bulldogs tangan ang 1-6 mark.

“Alam naman natin sa Paul Lee, pagpasok niya kanina sa dugout, parang tumaas ‘yung morale namin, tapos nagbigay siya ng advice. Pagpasok namin sa loob ng court, nag-iba kaya laking tulong ‘yung pagpunta niya ngayon dito,” sambit naman ni Philip Manalang.

“Tsaka siyempre ‘yung experience niya shinare niya rin sa amin, kung ano ‘yung dapat, anong hindi. Kaya marami kaming natutunan ngayon sa kanya.”

Sa Instagram, nag-post din si Rey Suerte ng litrato kasama si Paul Lee at may caption pang “Na motivate kami dahil sa taong to maraming salamat kuya @lethalweapon03.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?