12

Oct 7, 2021 @ 17:04
By

Choco Mucho taob kontra Kazakhstan

Nagtapos sa ika-anim na pwesto sa Asian Women’s Club Volleyball Championship ang Choco Mucho matapos yumukod sa Zhetysu ng Kazakhstan 25-14, 25-11, 25-23, sa classification match ngayong Huwebes.

Bumida para sa Zhetysu ang tambalan nina Valeriya Shatunova at Tatyana Nikitina.

Sinubukan ng mga Pinay na pumalag sa third set sa likod nina Ria Meneses at Kalei Mau ngunit kinapos sa dulo.

Kaya naman, sadsad sa dulo ng torneo ang dalawang Pinay squad na Choco Mucho at Rebisco.

Nakalaban na rin ng Choco Mucho ang Zhetysu noong preliminaries at nilampaso rin sila via straight sets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: