138
Tolentino alis na sa Ateneo Lady Eagles
Oct 1, 2019 @ 15:47
By

Choco Mucho iaakyat pa ni Tolentino

Mga laro Miyerkoles/Oktubre 2:

(FilOil Flying V Centre)

2:00pm – Choco Mucho vs Motolite

4:00pm – Chef’s Classic vs PetroGazz

Target ni Kat Tolentino na ipagpatuloy ang pamamayagpag ng Choco Mucho Flying Titans sa paparating nilang laban kontra Motolite, Miyerkoles, alas-dos ng hapon para sa unang laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Pipilitin ni Tolentino na pamunuan ang Flying Titans na umakyat pa sa team standings sa kasalukuyang 7th spot hawak ang 5-6 panalo-talo kartada.

Asahan ang ayuda ni Maddie Madayag para sa Choco Mucho matapos kumana ng 14 points, 10 galing sa attacks, 2 kills at 2 service aces kontra Pacific Town Army nitong Linggo.

Tatapatan naman ng Motolite Power Builders (7-4) ang Choco Mucho sa pamumuno ni Tots Carlos, na pipiliting bumalikwas sa pagkatalo kontra BanKo Perlas Spikers nitong Sabado.

Samantala, salpukan ang win-less team Chef’s Classic (0-13) at PetroGazz (7-2) sa ikalawa at huling laro alas-4 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?