61

By

Chloe ng Belladonnas, palaban sa sexy role

Sharing is caring!

Ipinahayag ni Chloe Sy na handa siyang magpa-sexy sa pelikula kung kinakailangan talaga sa istorya.

Si Chloe ay isa sa member ng fast rising all-female group na Belladonnas. Ang iba pang kasama niya rito ay sina Quinn Carillo, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, at Tin Bermas.

Game ba siyang magpa-sexy sa isang project? Mabilis na sagot niya, “Opo, game naman po.”

Dagdag na esplika pa ng dalaga, “Kasi dream ko po talaga ang maging artista, kaya determinado po talaga ako.”

Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy?

“Depende po sa mapag-uusapan, two piece, love scene… kaya ko naman po. Bale, part lang naman po kasi ‘yun ng trabaho.”

Kung bath tub scene na may sabon-sabon ka pa sa katawan pero medyo masisilip iyong butt mo, game ka rin ba? “Trabaho lang po, so, kaya naman po, kakayanin po, hahaha!” Nakatawang bulalas pa ni Chloe.

Sino naman ang gusto niyang maka-love scene kung sakali?

“Si Piolo Pascual po! Hahaha!” Pabungisngis na sagot ni Chloe.

Dagdag pa niya, “Crush ko po kasi si Papa P eh, at tingin ko, siya ang actor na pinaka-yummy talaga. Iyong tipo ni Piolo ay yung makalaglag panty po talaga, eh,” nakangiting saad pa ni Chloe.

Very soon ay mapapanood si Chloe at ang Belladonnas, plus ang Clique V sa pelikulang ‘Kodep’ na pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Ito ay prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?