98

Oct 20, 2017 @ 12:03

Chiz, tatapusin na ang kanyang political career?

Aminado si Senador Francis “Chiz” Escudero na wala pa siyang plano sa ngayon kaugnay sa kanyang political career sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2019.

Ayon kay Escudero, bagama’t posible niyang ikonsidera ang pagkandidato bilang gobernador ng Sorsogon ay inamin nitong mahirap itong pasya.

“Posible pero sa totoo lang, yung mga anak ko kasi nandito, yung asawa ko nandito baka pag-uwi ko may iba ng tsinelas sa bahay, kaya hindi ganun kadali yung pasyang yun,” may halong birong sagot ni Escudero nang tanungin kung plano nitong sumabak sa gubernatorial race.

Sa ngayon aniya, habang nakabreak ang Senado, ay sinasamantala niya ang pagkakataon para magbalot-balot na ng kanyang mga gamit mula sa kanyang tanggapan.

“Well, naglalagay na ako ng mga gamit sa kahon. Ang daming gamit na dapat simulan at some point habang recess kasi pag nagresume na naman trabaho na naman sa Senado,” dagdag ni Escudero. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?