31
Chiz, inamin paano nilampasan ang pagkakunan ni Heart
By

Chiz, inamin paano nilampasan ang pagkakunan ni Heart

Hindi lang nagpakilig sina Sorsogon Governor Chiz Escudero at aktres na si Heart Evangelista, nagpabagbag din sila ng damdamin nang pag-usapan ang kanilang nalaglag na twins.

Sa latest YouTube vlog ni Heart kung saan kinapanayam nito si Chiz tungkol sa “adulting,” tinanong din ang huli kung paano niya kinaya ang balitang nakunan ang aktres.

“We can’t actually be both crying on each other’s shoulders trying to console each other. One has to do the consoling while the other one is grieving. Huwag mo lang sabayan,” ani Chiz.

“In my case, I didn’t indulge. I didn’t dwell,” dagdag nito.

Ngunit giniit naman ni Heart na nakita nitong mugto ang mata ni Chiz dahil sa nangyari.

“Nakita kita umiiyak ka eh. Akala mo tulog ako pero pagbaba ko, super bloodshot ‘yung mata mo,” aniya.

Noong Mayo 2018, lampas tatlong taon matapos magpakasal ang mag-asawa, naging buntis si Heart ngunit sa kasawiang-palad ay nakunan din nang parehong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?