794

By

Chiz Escudero tatakbo bilang gobernador ng Sorsogon

Sharing is caring!

Naghain ngayon si Senador Chiz Escudero ng kandidatura para sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Sorsogon.

Kasama ang maybahay na si aktres na si Heart Evangelista, nagsumite si Escudero ng certificate of candidacy sa provincial office ng Comelec sa Sorsogon City.

Kasama niya ring naghain ng kandidatura ang running mate na si incumbent Mayor Manuel ‘Fortes’ ng Barcelona, Sorsogon.

Si Escudero ay nasa huling termino sa pagkasenador at matatapos ang kaniyang panunungkulan dito sa Hunyo 2019.

Nasa huling termino rin bilang alkalde ang kaniyang running mate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?