48

By

Chiz dedma lang sa balik-tambalang Heart, Jericho

Sharing is caring!

Walang pakialam si Senador Francis “Chiz” Escudero sakali mang magbalik-tambalan sa pelikula o teleserye ang kanyang asawang si Heart Evangelista at dating kasintahan nitong Jericho Rosales.

Ayon sa senador, hindi umano nila pinakikiaalaman ang isa’t isa tungkol sa kanilang career kaya’t walang aniyang siyang nakikitang masama kung buhayin muli ang kanilang love team.

“We don’t interfere with each other’s career,” reaksiyon ni Escudero nang hingan ng reaksiyon kaugnay ng muling pagkikita ng kanyang misis at Rosales sa dinner na inihanda ng celebrity na si Tim Yap noong Disyembre 1.

Naging viral ang photo nakuha ni Yap kung saan nagkaharap at nag-usap ang dating magkasintahan.

Taong 2008, nang biglaang natapos ang tatlong taong relasyon nina Heart at Jericho.

Ikinasal sina Rosales at Jones noong 2014 at makalipas ang isang taon ay nakipag-isang dibdib naman si Heart kay Escudero. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?