38

Sep 8, 2021 @ 15:13
By

Chito todo-bigay kay Neri

Sobrang pinasaya ni Chito Miranda ang esmi niyang si Neri Naig.

Sa Instagram post ikinuwento ni Neri kung paanong ginawang super saya at perfect ni Chito ang kanyang birthday.

Maliban sa kinantahan siya ng asawa, pinaulanan din siya ng mga bulaklak, cake at lechon ni Chito!

“Nag order si Chito ng favorite steak ko. Sabay kami nag lunch. Tapos sunod sunod na may dumarating na gifts. Nag arrange ako ng mga flowers, sa sobrang dami, lahat ng vases ko nagamit ang daming cake at lechon na dumating, nagshare ako sa staff ko at sa guards ng village namin.

“Sinabi ko kay Chito na best birthday so far. Kahit walang ganap. Kase kuntento ako kung ano ang meron kami. Totoo talaga ang always count your blessings. Di man kami super yaman, tama lang kumbaga, pero masaya talaga ako kung asan kami ni Chito. Lalo pa at madadagdagan pa kami ng isa pang baby very soon! Thank you, Lord. I am genuinely happy sa buhay ko po ngayon,” ani Neri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?