128

By

Chito sumagot sa hiwalayan issue nila ni Neri

Sharing is caring!

Nagpaliwanag ang ‘Parokya ni Edgar’ front man na si Chito Miranda sa isang comment ng netizen na kinuwestiyon ang marital status niya sa asawang si Neri Naig.

Sa Instagram post ni Neri, proud ito na nakabili ng bahay mula sa kanyang sariling sikap.

“Salamat po sa lahat ng tumangkilik ng aking mga produkto at nakakapag ipon po ako at napapalago ko po kahit papaano ang mga naiipon ko. Salamat din po sa mga companies na nagtitiwala sa akin para maging representative ng mga produkto at services nila,” parte ng caption ni Neri.

View this post on Instagram

Unti-unting mararating kalangitan at bituin… unti-unting kinabukasan ko'y magniningning. Nakakaiyak! Haaaaaay! Salamat po sa lahat ng tumatangkilik ng aking mga produkto at nakakapag ipon po ako at napapalago ko po kahit papaano ang mga naiipon ko. Salamat din po sa mga companies na nagtitiwala sa akin para maging representative ng mga produkto at services nila. At nakakatulong po kayo sa pagpapalago ng business ko po. Huwag po sana kayong magsawa na magtiwala sa aking kakayahan bilang nanay, asawa, at entrepreneur. Maraming salamat po! At kay God, sobrang salamat po. At talagang hindi Nyo po ako pinapabayaan. Hindi man naging madali sa akin ang lahat pero nakita Nyo po ang pagsusumikap ko. Maraming salamat po. 2019, ready na po ako! Kayod lang para kay Miggy! #WaisNaMisis #WaisKahitDiPaMisis #VeryNeri

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Dahil parang hindi umano kasali si Chito sa naging investment ni Neri ay hindi napigilang magtanong ng isang IG user na si @callme_khang.

“Hiwalay na po ba kayo ni Chito? Sorry for asking, kasi parang your only pertaining to yourself. Your own savings etc. just asking” saad ng netizen.

Sumagot naman si Chito sa netizen at pinakiusap na sana’y itigil na ang pagkwestiyon sa relationship status nila ni Neri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?