320

Nov 3, 2017 @ 19:35

Chito Narvasa sinipa na bilang PBA commissioner

Hindi na pinayagan ng PBA Board na ma-renew ang termino ni Commissioner Chito Narvasa para sa susunod na season.

Sa special board meeting noong Huwebes, pitong miyembro ng Board ang nagdesisyon huwag nang ituloy pa ni Narvasa ang pamumuno sa PBA.

Ang mga dumalo sa meeting ay sina TNT governor Pato Gregorio, Dickie Bachmann ng Alaska, Mert Mondragon ng Rain or Shine, Al Panlilio ng Meralco, Blackwater’s Siliman Sy, Raymond Zorilla ng Phoenix, at incoming chairman Mon Fernandez.

Hindi kasama sa board meeting ang tatlong kinatawan ng SMB teams, gayundin ang Kia at Globalport.

Itinalaga namang OIC si Ricky Santos, habang inihayag ni Fernandez na magsisimula ang 43rd PBA season sa Disyembre 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?