60

Sep 14, 2020 @ 23:21
By

Chito ‘nainis’ sa pagta-tag ng mga netizen

Nag-react si Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda sa mga netizen na panay ang tag sa kanya sa viral post ni Janella Salvador.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Janella ng photo kayakap ang nobyong si Markus Paterson.

https://www.instagram.com/p/CFCRTAuD9Hu/

Ilang netizen ang nagsabing kamukha ni Chito ang lalaki sa billboard na nasa likod nina Janella at Markus, kaya naman itinag siya ng mga ito.

Sa kanyang Twitter, nag-comment tungkol doon si Chito.

Nakiusap siya sa mga netizen na huwag na siyang i-tag sa naturang post.

“Please stop tagging me. Hindi po ako yan,” tweet ni Chito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?