295

By

Chito nagulat sa pre-birthday barbecue party ni Neri

Kaarawan ngayon (February 7) ni Parokya ni Edgar lead singer Chito Miranda.

Sa kanyang Instagram kahapon ibinahagi ni Chito ang sorpresang pre-birthday barbecue party ng kanyang asawang si Neri Naig para sa kanyang 43rd birthday.

“Neri surprised me with a pre-birthday barbecue party sa kanyang “not so secret garden”, and nagulat ako, hindi lang dahil surprise party, kundi dahil sa kung gaano kaganda yung ginawa nya sa balak nyang buksan na café,” sabi ni Chito.

View this post on Instagram

Neri surprised me with a pre-birthday barbecue party sa kanyang “not so secret garden”, and nagulat ako, hindi lang dahil surprise party, kundi dahil sa kung gaano kaganda yung ginawa nya sa balak nyang buksan na cafe. May roof deck sa taas (malamang sa taas), tapos may cafe sa gitna kung saan may pastries, milktea, coffee, hot choco, and other goodies from her bakeshop, tapos may garden sa baba kung saan balak nya maglagay ng barbecue at isaw stand, dirty ice cream, taho, fishball at kwek kwek, mangga w/ bagoong on a stick, scramble, at kung anu-ano pang street food…pati ako na-excite eh hehe! Bukas pa birthday ko pero araw araw naman parang birthday ko dahil kay Neri at kay Miggy at sa lahat ng blessings na patuloy na binibigay ni God, and for that, I am thankful. #BerettaM9A3

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Binati rin siya ni Neri sa Instagram ng sweet birthday greetings.

“Happy birthday sa pinaka the best asawa at daddy para sa amin ni Miggy! Walang hanggang pasasalamat at papuri ang maririnig at mararamdaman mo sa amin ni Miggy kase napakabuti mo naman talagang tao,” sabi ni Neri sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?