1,395

By

Chito Miranda, masaya sa simpleng buhay kasama si Neri

Malaki umano ang nabago sa buhay ni Parokya ni Edgar lead singer Chito Miranda dahil sa asawang si Neri Naig.

Sa kanyang Instagram inisa-isa ni Chito ang mga nagawa ni Neri sa kanyang buhay sa mensahe niya sa kanilang wedding anniversary.

“Eight years ago, nagkakilala tayo. Seven years ago, naging tayo. Four years ago, kinasal tayo. Two years ago, nagka-anak at nagka-pamilya tayo. Kagabi, nag-away tayo kasi na-irita ka sa akin kasi ang kulit ko hehe! Kanina, kumain tayo ng bulalo at nag-Skyranch. Wala lang…ang saya lang kasi ang simple simple lang ng buhay ko, siyempre, dahil sayo,” aniya.

View this post on Instagram

8yrs ago, nagkakilala tayo. 7yrs ago, naging tayo. 4 yrs ago, kinasal tayo. 2yrs ago, nagka-anak at nagka-pamilya tayo. Kagabi, nag-away tayo kasi na-irita ka sa akin kasi ang kulit ko hehe! Kanina, kumain tayo ng bulalo at nag-Skyranch. Wala lang…ang saya lang kasi ang simple simple lang ng buhay ko, syempre, dahil sayo. Kaya gustong-gusto ko 'tong pic natin na 'to kasi bukod sa nakakatawa, it also shows kung ano ka sa buhay ko dahil talagang sinagip mo ko from myself and my downward spiral of self-destruction.🤘🏻😂 Dati wala akong balak sa buhay kundi ang magbanda, mag-retire, tumira sa beach, magwaldas ng ipon, tapos mamatay kung kelan ko gusto. Simple lang din naman yung buhay ko dati, but in a different way, because I only focused on myself. Dahil sayo, nag-iba lahat. You gave me something else to focus on, and a reason for living that is more important than myself. Tinigil ko lahat ng bisyo ko, hindi dahil pinagbawalan mo ko, but because I decided na gusto ko maging pinaka-healthiest na kaya ko para maalagaan ko kayo ni Miggy ng maayos at matagal…kasi yun ang pinaka nagpapa-saya sa akin. Ngayon, feeling ko I have so much to live for, and everything is so clear and simple. Thank you, Ms.Neri. Happy anniversary!❤

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Sinabi rin nitong dati ay sarili lang niya ang kanyang iniisip pero nang dumating si Neri ay nag-iba ito.

“Dati wala akong balak sa buhay kundi ang magbanda, mag-retire, tumira sa beach, magwaldas ng ipon, tapos mamatay kung kelan ko gusto. Simple lang din naman yung buhay ko dati, but in a different way, because I only focused on myself. Dahil sayo, nag-iba lahat,” ani Chito.

Nagdesisyon din si Chito na ihinto na ang kanyang bisyo para maging malusog siya para kay Neri at sa anak nilang si Miggy.

“You gave me something else to focus on, and a reason for living that is more important than myself. Tinigil ko lahat ng bisyo ko, hindi dahil pinagbawalan mo ko, but because I decided na gusto ko maging pinaka-healthiest na kaya ko para maalagaan ko kayo ni Miggy ng maayos at matagal…kasi yun ang pinaka nagpapa-saya sa akin,” aniya.

Ikinasal sina Chito at Neri sa Tagaytay noong Diyembre 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?