3,455

By

Chito Miranda emosyonal sa ‘huling sayaw’ ng Kamikazee

Sharing is caring!

May himutok si Parokya Ni Edgar lead vocalist Chito Miranda sa unti-unting pagkawala ng bandang OPM sa music industry.

Sa kanyang Facebook post makikita ang pagyakap nito kay Kamikazee singer Jay Contreras sa huling gig nito sa isang bar sa Makati noong Lunes na nilagyan niya ng maemosyonal na caption.

“Nakakalungkot man isipin na kung sino pa ang gumagawa ng tunay na musika, sila pa ang unti unting nawawala sa eksena. Samantalang ‘yung mga wala namang saysay ang kanta, sila pa ang binibigyang parangal. Kahit anung mangyari, idolo pa dn namin kayong mga bandang OPM. Mabuhay kayo idol!”

Nilagyan niya ito ng hashtag na #kamikazeehulingsayaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?