22

Jun 24, 2022 @ 14:49
By

Chito ibinida bagong resto sa Tagaytay

Ibinida ni Chito Miranda sa social media ang kanyang bonggang restaurant sa Tagaytay.

Nagpatayo kasi ng bagong insal resto si Chito na pinangalanan niyang Mang Jose Inasal.

Ayon sa bokalista ng Parokya ni Edgar, masaya siya na dinarayo ang kanyang kainan kahit weekdays.

“Nakakatuwa naman! (nakakatuwa…pero naiiyak). Nakakatuwa lang kasi kahit weekday, madami pa ring kumakain sa @mangjoseinasalph Tagaytay

“Dumaan ako para mag-take out ng manok for Miggy and Ate Pia…hanggang ngayon, sobrang masaya pa rin ako kapag nakikita ko na tinatangkilik ng mga tao yung mga resto namin, lalo na itong latest project namin,” pahayag ni Chito sa kanyang Instagram.

Nangako rin si Chito na aayusin nila ng asawang si Neri Miranda ang lahat ng dapat ayusin bago ang kanilang grand opening.

“Salamat talaga!!! Alam ko marami pa kaming kelangan i-improve, at pinapangako namin na aayusin namin lahat ng kelangan naming ayusin bago kami mag-grand opening,” dagdag ni Chito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?