65

Aug 13, 2020 @ 20:59
By

Chito bumilib kay Michael Pacquiao

Na-impress ni Michael Pacquiao ang popular na bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Kamakailan nang mag-viral ang original composition ng anak ng Pambansang Kamao na “Hate” matapos niya itong live na i-rap sa Wish 107.5 Bus.

“Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a…nakakabilib. Orig nya ba yun? Kung oo, sobrang astig. Kung hindi, ok lang…ang galing nya pa rin,” tweet ni Chito.

Habang sinusulat ito ay may mahigit 8 million views na ang “Hate” performance ni Michael sa Wish Bus.

Si Michael ay pangalawang anak nina Senador Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?