363

May 1, 2021 @ 11:36
By

Chito asa lang kay misis? Neri sumagot!

Nagsalita si Neri Naig sa tanong kung siya ba ang bumubuhay sa kanyang mister na si Chito Miranda.

Nag-ugat ito nang mag-post si Ner Naig ng larawan ng kanilang pinapatayong ‘Miranda’s Farm House’ sa Cavite.

“We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko,” saad ni Neri.

“Dito rin titira nanay ko, lagyan namin sya ng room nya na diretso na sa garden. Mas hahaba ang buhay ng nanay ko kapag nagtatanim at napapaligiran ng halaman. At least pwede syang mag ikot ikot sa farm na di kami matatakot kung mahahawa ba sya ng virus,” aniya pa.

https://www.instagram.com/p/COPubUKrJH9/?utm_source=ig_embed

Dito napansin ng isang netizen na puro ‘ko’ ang ginagamit ni Neri kaya nagtanong ito, “Ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo.”

Tugon ni Neri, “”May kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay. Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan. May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?