209

Jul 30, 2021 @ 16:46
By

Chito amoy basahang ‘di natuyo, Neri nagreklamo kay Tulfo

Inilapit ni Neri Miranda kay Idol Raffy Tulfo ang problema niya sa kanyang mister na si Chito.

Sambit nito sa Raffy Tulfo in Action, maasim kasi at amoy basahang hindi natuyo ang bokalista ng Parokya ni Edgar.

“Parang amoy kulob, kaya hindi ko ma-take ‘pag nasa bahay,” hinaing nito kay Tulfo.

Ayun pala, “prank” lamang ang umanoy parinigan nila sa social media dahil bahagi ito ng kanilang bagong endorsement.

https://www.instagram.com/p/CR5gW9oBU7d/?utm_source=ig_web_copy_link

“Sa aking amazing asawa, ang swerte swerte ko talaga sayo.❤️” saad ng Parokyna ni Edgar vocalist sa kanyang Instagram post kung saan makikitang yakap niya ang kanyang misis kasama ang malaking pakete ng Downy.

“Pasensya na talaga kung super drama ko minsan…sa sobrang laki ng problema ko, umabot pa tuloy tayo sa Tulfo.✌🏼😅” pagpapatuloy niya.

Ang mga “cryptic” message pala na ginawa ng dalawa ay bahagi ng kanilang endorsement para sa Downy Kontra Kulob.

“Nag-BANGONG BUHAY na tayo, at ngayon, at least alam na natin na kelangan i-Downy ang BUONG LABADA para siguradong fresh na fresh at mabango ang lahat ng mga damit natin! Wag Choosy, dapat LAHAT ay i-Downy!”

Kasabay nito, nag-post din si Neri ng kanyang litrato kasama ang produktong kanilang ineendorso.

Aniya, wala nang magiging “mabaWHO” sa kanilang bahay.”

“O ayan ha! NagBANGONG buhay na ako! Wala nang favorites sa paggamit ng Downy! Hindi na pwede choosy, dapat lahat i-Downy. Kaya, lahat na yan binabad sa Downy Kontra Kulob kaya wala nang #MabaWHO sa bahay na ito!”

Nito lamang linggo nang mag-trending ang dalawa dahil sa mga misteryoso nitong mensahe sa IG.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/chito-neri-miranda-nagkakalabuan/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?