181
Chinese student na nanapon ng taho, i-deport na!
By

Chinese student na nanapon ng taho, i-deport na! – Gordon

Sharing is caring!

Nakiisa na si Senador Richard Gordon sa mga nananawagan na palayasin na ng bansa at pabalikin na sa pinanggalingan ang Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa istasyon ng MRT3.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, hindi dapat palagpasin ang inasal ng Chinese national at ang pambabastos nito sa isang pulis.

Pinagsabihan ni Gordon na Bureau of Immigration na madaliin na ang deportation proceedings laban sa Chinese na si Jiale Zang.

Kailangan umano ritong ipakita ng gobyerno na dapat inirerespeto ng mga Chinese at lahat ng iba pang dayuhan ang mga awtoridad ng Pilipinas at ang mga ipinatutupad ditong batas.

“The Chinese passenger should be deported. The Chinese nationals here and all other foreign nationals staying in our country should respect our rules and laws. They should not flout our rules and they should also respect the officials who are implementing our laws,” ani Gordon.

Hinimok naman ni Gordon ang China na pagsabihan ang kanilang mga mamamayan na gumalang sa mga awtoridad at batas ng Pilipinas kapag tutungo rito.

“China, our nearest neighbor in Asia, should advise its nationals about complying with the rules and laws of our country and respecting persons in authority here,” sabi ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?