59

Dec 25, 2017 @ 17:03
By

Chinese smuggler timbog sa overweight na bagahe

Patay-malisya lang ang isang turistang Chinese nang arestuhin dahil sa pagbibitbit ng daan-daang piraso ng mga credit cards sa pagpasok niya ng Pilipinas sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Rey Isais, pinuno ng X-ray Inspection Team ng Bureau of Customs, dumating sa bansa noong Linggo ng umaga si Wensheng Zeng mula sa Guandong, China sakay ng China Southern Airline Flight CZ 3901.

Nang idaan nito sa x-ray machine ang check-in luggage ay napansin na sobra ito sa timbang kayat kinailangan itong pabuksan kay Wensheng.

Nagulat na lang ang mga Customs examiner nang makita na ang luggage ay naglalaman ng daan-dang credit cards, pati isang ATM skimming device na may nakakabit pang isang makina.

Sa pagtatanong kay Wensheng inamin nito na alam niya ang laman ng kanyang luggage at aniya inutusan lang siya ng sindikato na bitbitin ito sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?