175
knife-with-blood
Oct 15, 2017 @ 17:31

Chinese sinaksak ng kababayan

Tinarakan ng kutsilyo sa leeg ang isang Chinese ng kanyang kababayan sa Barangay Alabang, Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot ngayon ang biktimang si Shao Jian Aoquan sa Asian Hospital and Medical Center.

Samantala, nakakulong na sa Muntinlupa City Custodial Facility ang suspek na si Liao Zhi Wei.

Base sa ulat, alas-5:40 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa kung saan nagpunta sa kusina ng kanilang unit si Liao at kumuha ng kutsilyo.

Kasunod nito ay sinaksak na niya si Shao.

Inaalam pa ang ugat ng pagtatalo ng dalawa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?