61

May 10, 2020 @ 21:06
By

Chinese sa Caloocan, minura ang mga bantay sa checkpoint

Pumalag ang isang Chinese na lalaki sa Caloocan City matapos siyang harangan sa checkpoint ng Barangay 67.

Sa report ng ’24 Oras News Alert’, makikita ang pagbaba ng Tsino sa kanyang motor at nilapitan ang mga tauhan sa checkpoint kung saan minura umano sila nito.

Napag-alaman kasi na sa ibang barangay nakalaan ang kanyang quarantine pass, na hindi pa dapat naka-iskedyul para sa pamimili.

Kaya naman dinakip ang Chinese kung saan irereklamo ng Caloocan Police, at dudulog din sa Bureau of Immigration para maparusahan ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?