631

Feb 16, 2020 @ 21:22
By

Chinese President Xi Jinping tinago ang coronavirus outbreak

Tila nabulgar sa speech ni Chinese President Xi Jinping na hindi agad pinaalam ng China government na nagkakaroon na pala ng virus outbreak sa kanilang mga citizen, gayundin sa ibang bansa.

Sa February 3 speech ni Xi, sinabi nito na maagang umaksyon ang China para mapigilan ang pagkalat ng virus, na kalauna’y binansagang novel coronavirus.

Ito’y matapos punahin si Jinping na naging mabagal umano ang kanilang responde sa nasabing virus outbreak.

Ayon kay Xi, noong January 7 pa lang ay kanila nang pinag-utos ang pag-shutdown sa Hubei Province, lugar kung saan nanggaling ang coronavirus.

Ngunit January 23 pa na-lockdown ang nasabing lugar, at kasabay na ito ng pagkabalita sa mga taga-China at ibang bansa na mayroon ng coronavirus outbreak sa Hubei.

“On Jan. 22, in light of the epidemic’s rapid spread and the challenges of prevention and control, I made a clear request that Hubei province implement comprehensive and stringent controls over the outflow of people,” ayon kay Xi sa meeting ng standing committee ng kanyang party.

Sa ngayon ay umabot na sa 69,267 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus, 1,670 na ang nasawi dahil dito at patuloy pa ang pag-angat.

Kumalat na rin sa lampas 30 bansa ang virus, kasama na ang tatlong kumpirmadong kaso sa Pilipinas.

Isa pa sa isyu sa China ngayon ay pinangako ng kanilang gobyerno na magiging bukas sa impormasyon tungkol sa nCoV, ngunit may ilang mga video report na nawawala ang mga journalist na nagbabalita tungkol sa outbreak, na pinaghihinalaang dinetine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?